Advertisement

Rocco Nacino, may lead role sa MMFF 2019 entry na 'Write About Love'

Rocco Nacino, may lead role sa MMFF 2019 entry na 'Write About Love' Masaya at super proud si Rocco Nacino dahil sa matagumpay niyang pagtatapos sa tatlong buwang training sa Philippine Navy.

Nursing graduate din si Rocco at ang title niya ngayon ay Petty Officer Third Class Enrico Q. Nacino, Registered Nurse, Master of Arts in Nursing o PO3 Enrico Q. Nacino.

Ikinatuwa ito ng mga navy dahil malaking bagay raw ang pagpasok ng celebrities para makapag-inspire ng mga kabataan na pumasok sa military service.

Bukod dito kabilang din si Rocco sa MMFF 2019 entry na 'Write About Love' na magbibigay pagpapahalaga sa mga script-writer na nagsusulat ng mga magagandang kuwentong napapanood natin sa mga teleserye at pelikula.

Mabuting aral umano ito na para sa mga kabataan nakararanas ng iba't ibang damdamin dulot ng pag-ibig.

Makakapareha naman ni Rocco dito ang aktres na si Miles Ocampo. At bubuuin nila ang istorya ng pag-ibig ng dalawang karakter na ginagampanan naman nina Yeng Constantino at Joem Bascon.

Mapapanuod ang 'Write About Love' sa mga sinehan nationwide sa pagbubukas ng taunang film festival sa bansa sa December 25.

--------
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

#NET25

Watch NET 25 Online:

Like us on Facebook:
Follow us on Twitter:
Tumblr:

NET25,1with25,#NET25,

Post a Comment

0 Comments